Read our posts

Bookbed Blog

Bookbed recommends: Black Ink Comics, ‘Piko: Pambatang Komiks’

NI KB MENIADO

May koleksyon ako ng mga komiks noon. May mga kwentong nasa Ingles, may mga nasa Filipino. Sa komiks ko nga unang nabasa ang mga akda ni Gat Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, pati na rin ang Ibong Adarna at Florante at Laura.

Pero unti-unting nabawasan ang interes ko sa komiks. Siguro dahil na rin sa pagkahalina ko sa mga nobela. O di kaya nama’y naniwala ako sa masamang loob na nagtanim sa utak ko na “hindi tunay na pagbabasa ang pagbabasa ng komiks.” (Pwe!)

Pero ang maganda, unti-unti akong nagbabalik-loob.

Black Ink Comics

Una kong nakita ang Black Ink Comics sa isang branch ng Precious Pages. Ang daming pagpipilian—may kathang-isip, may drama, may horror at iba pa. May mga series, mayroon namang mga n-stories-in-one.

bookbed black ink comics 6

bookbed black ink comics 1

bookbed black ink comics 2

bookbed black ink comics 3

bookbed black ink comics 4

Piko: Pambatang Komiks

Napadaan lang ako sa Fully Booked isang araw tapos nakita ko ang komiks na ‘to. Nagustuhan kong naglaro lang sa iilang kulay ang mga ginamit sa mga larawan, at na ang mga kwento ay hindi lamang pambata, kundi pampamilya, pang-sports at pang-ahrt~ din! (Tapos, pwede nating maging ka-level ang mga idolo natin, salamat sa mga blankong panels na kalakip.)

 

bookbed piko pambatang komiks 1

bookbed piko pambatang komiks 2

bookbed piko pambatang komiks 3

bookbed piko pambatang komiks 4

bookbed piko pambatang komiks 5

bookbed piko pambatang komiks 6

Si Wina!

bookbed piko pambatang komiks 7

Ika nga sa guhit ni Rob Cham:

bookbed piko pambatang komiks 8

Nabasa mo na ba ang mga ito? Anong mga komiks ang paborito mo? ☁

3 Comments
  • Elaine Valerie
    Posted at 18:08h, 28 September Reply

    Hindi pa ako nakababasa ng komiks mula sa Black Ink at matagal ko nang gustong bumili ng libro ni Rob Cham. 😛 Ang nabasa ko pa lamang na Pilipino komiks ay yung Trese, mga gawa ni Manix Abrera at Crime Fighting Call Center Agents. At ang pinakapaborito ko sa mga nabasa ko ay yung Trese. 😛

    • kb (@heykebe)
      Posted at 19:21h, 28 September Reply

      Hi Elaine! Salamat sa pagbasa 🙂 Hindi ko pa nababasa ang Trese!! Bibili ako hahaha. (Or pahiram??)

  • The Zero Calorie Adventures of Milk & Coffee
    Posted at 21:27h, 01 October Reply

    Astig ‘yung may “Gumawa ng sariling Komiks” Gusto ko nun!!!

Post A Comment