Read our posts

Bookbed Blog

Bookbed reviews ‘Si Dru at ang Kwento ng Limang Kaharian’ ni Clara Ng

NI KB MENIADO

Ang huling nabasa kong Aklat ng Salin mula sa Adarna House ay Si Tito Libro At Ako (Book Uncle and Me) ni Uma Krishnaswami. Nagustuhan ko iyon at kaya nama’y walang pagdadalawang isip na pinulot ko ang librong ito mula sa istante noong nakaraang Manila International Book Fair.

ANG KWENTO

Isang palaaway na batang babae ang napadpad sa mundo ng limang malulungkot na hari. Isang makapangyarihang puno ang magsisilbing daan para siya ay makauwi.

Samahan si Dru sa kaniyang pakikipagsapalaran sa limang mahiwagang kaharian.

(A feisty young girl finds herself lost in a world of five sad kings. A powerful tree will help her find her way home. 

Join Dru in her adventures through give fantastic kingdoms.) Get a copy: Adarna House / Read reviews: Goodreads (Indonesian text)

MGA NAGUSTUHAN KO

Halata namang agaw-pansin ang librong ito dahil sa napakamakulay na cover art nito. Ang totoo niyan, iyan ang unang rason kumbakit idinagdag ko ito sa aking book haul. (Umamin, hinuhusgahan niyo pa rin ang mga aklat ayon sa cover nila!) Unang tingin pa lang, alam mong may naghihintay na big adventure. At kung nakuha nito ang aking pansin (bilang isang nasa 25 pataas na ang edad, haha), sigurado hindi rin ito palalampasin ng mga mas bata pang mambabasa. Lalo rin silang matutuwa kapag nakita nilang mas marami pang art sa mga pahina nito.

Pagdating naman sa mismong kwentong salin ni Nanoy Rafael mula sa Indonesian text ni Clare Ng, hindi ako nagkamali sa aking akala. Isa ngang pakikipagsapalaran ang naghihintay sa akin! Sinundan ko ang pilyang si Dru mula sa kanyang nakagawiang pag-akyat sa puno ng rambutan pati na rin sa kanyang paglalakbay sa limang kaharian hanggang sa pagbalik niya sa kanyang sariling bayan.

May mga elemento sa kwento na katulad nung mga nasa Alice in Wonderland pero ang setting ay nasa (Southeast) Asia, na siya namang aking ikinatuwa dahil mas madaling wariin at intindihin bilang isang mambabasang Pilipino.

At dahil napapag-usapan na rin ang pagbasa, may mga salita rin sa librong ito na malamang ay unang beses mong makatagpo at samakatuwid ay hindi mo alam ang ibig sabihin. Magandang pandagdag sa bokabularyo!

Maganda ring kapulutan ng maraming aral ang kwento, mula sa pakikipagkaibigan at pakikisama, pagsunod sa may awtoridad, pagpapasensiya, paglinang ng imahenasyon at iba pa.

KASO

(Spoiler alert! Highlight succeeding text to read.) Marahil ay kulang lang ako sa ensayo sa pagbabasa ng mga salin, pero nahabaan ako rito. May mga pagkakataong nagmadali ako para makarating agad sa susunod na kabanata.

Isa pa ay nakulangan ako sa hiwaga~. Bilang isang kwentong pantasya, may mga inasahan akong makita, gaya na rin siguro ng mas malaki o maraming mahika at (mga) kontrabida. May konting panghihinayang din ako pagdating sa pagtatapos ng kwento—naging madaling hulaan na ang mga sagot sa mga katanungang na-ipresenta sa mga naunang kabanata.

SA MADALING SALITA

Si Dru at ang Kwento ng Limang Kaharian ay maaaring ihalintulad sa Alice in Wonderland—kakatuwang pakikipagsapalaran at kapupulutan ng aral. Inererekomenda para sa mga mambabasa 15 pataas. ☁

For review requests, please read our Review Policy here.
To contribute book reviews, features and original creative work, sign up here.
No Comments

Post A Comment