by Michelle Tatoy
Sila’y mga tao din,
dumarami’t kumakalat.
Inaakala ng nakararami ito’y karamdaman—
pinangdirian at kinamuhian,
pinagkaitan ng kalayaan,
pinagtulakan at tinapakan,
luha’y naging basehan ng katapangan.
Pinairal ng lipunan:
Makikitid na pag unawa’y naging boses ng mamamayan
Basehan na ba ng katapangan ang panlalamang?
Sila’y bahagi rin nitong perlas ng silanganan
Buksan ang pinto ng pagunawa’t awa
‘Wag pagkaitan ng
pagtanggap.
Tuparin ang kahilingan,
makabagwis ang isipan
ituring na bahagi nitong ating lipunan.
Anything to share? :)