by Paul Raymond Jimenez
Kung mayroon mang natatanging tatak na Pilipino,
ito’y ang ating angking tapang at talino.
Ngunit minsa’y dapat din nating isipin
Na huwag magpadala sa udyok ng damdamin.
Sa mga nabasa’t narinig kong mga kwento—
sa kasaysayan at hindi sa barbero,
Ang poot at galit ay walang magandang naidudulot;
ang marangal na layuni’y kadalasa’y nauudlot.
Malaking bagay ang haba ng pasensya
Nang sa gayo’y maging maayos ang pagpapasiya.
Kung si Maypag-asa’y nakinig kay Jacinto,
Di sana’y nasubukan pag-i-Ingles sa ‘kano.
Ngunit sabi nga ni Pepe bago siya nahatulan ng bitay
Sa kabataa’y ang pagasa’y nanalantay.
Pag-asang may kaakibat na pagbabagong
Pupukaw sa mga natutulog na pagong.
Totoong may mga aral sa kasaysayang Pilipino
Sapagkat hindi sapat ang tapang at talino.
Nawa’y atin namang subukan ang ibang angking katangian.
Gaya ni Mabini, ang pagpakumbaba’y may angkin ding kagitingan.
☁️
Anything to share? :)