#BookbedFictory 013: ‘131313’

ni Winter Aragon Prompt: You receive an email at midnight of a picture of you asleep on your bed… from right outside your window. You live on the 13th floor of a newly built condominium. Sa mundong ating kinagagalawan may mga misteryong nais natin alamin pero may ibang mas nanainisin na lang manatiling isang katanungan. Walang sagot. Walang pagkakakilanlan. ~Unang Araw~ “Sigurado ka na ba sa desisyon mo na ‘yan, Danita?” “Oo naman, Kuya Danny,” walang kabig kong sagot bago sumalampak sa pinakamalambot na kamang nahigaan ko. “Ay, naku, Danita, maghunus-dili ka nga!” narinig kong wika ni Ate Hanna, ang asawa…