Bookbed reviews ‘Si Dru at ang Kwento ng Limang Kaharian’ ni Clara Ng

ni KB Meniado Ang huling nabasa kong Aklat ng Salin mula sa Adarna House ay Si Tito Libro At Ako (Book Uncle and Me) ni Uma Krishnaswami. Nagustuhan ko iyon at kaya nama’y walang pagdadalawang isip na pinulot ko ang librong ito mula sa istante noong nakaraang Manila International Book Fair. ANG KWENTO Isang palaaway na batang babae ang napadpad sa mundo ng limang malulungkot na hari. Isang makapangyarihang puno ang magsisilbing daan para siya ay makauwi. Samahan si Dru sa kaniyang pakikipagsapalaran sa limang mahiwagang kaharian. (A feisty young girl finds herself lost in a world of five sad kings. A powerful tree will…